Networking tugon sa mass lay-off ng mga guro
MANILA, Philippines - Palakasin ang school networking.
Ito naman ang naging rekomendasyon ni CBCP-Episcopal Commission on Catholic Education at Manila Archdiocesan Parochial School Association (MAPSA) President Msgr. Gerry Santos sa pagitan ng mga pribado at pampublikong paaralan para matugunan o masolusyunan ang pagiÂging unemployed ng may 85,000 mga guro sa “full implementation†ng K-12 program ng Department of Education sa 2016.
Ayon kay Msgr. SanÂtos, maaari namang magÂturo sa Senior High School ang mga guro na nagtuturo sa 1st year College na direktang maapektuhan ng bagong curriculum.
Naniniwala si Msgr. Santos na pansamantala lamang ang kakaharaping problema ng mga guro hanggang sa maging stable na ang K-12 program.
Aminado ang pari na maging mahirap para sa mga 1st and 2nd year College professor ang “transition period†ng programa.
Inihayag ni Msgr. Santos na mahalagang magkaroon ng connectiÂvity ang mga college at universities na apektado ng programa sa halip na isolate nila ang kanilang sarili o maging hadlang sa ikatatagumpay ng sistema.
Tiwala naman si Msgr. Santos na matutugunan ang mga problemang kakaharapin sa implementasyon ng K-12 program kung magiging magaling ang transition management o mga taong maÂngangasiwa sa malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Hinimok din ni Msgr. Santos ang mga opisÂyal na namumuno sa implementasyon ng K-12 program na magkaroon ng communication sa mga taong maaapektuhan ng programa.
- Latest