MANILA, Philippines - Umapela ang MaÂlacañang sa taumbayan na magtiis-tiis muna sa mataas na presyo ng bigas, bawang at luya dahil wala silang magagawa para kontrolin ito bunsod nang idinidikta ng “market forces†ang halaga ng mga ito.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr, tinututukan naman ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng bigas na ang pagtaas ay dulot ng mababang supply at inaasahang magiging matatag ang supply kapag dumating ang inangkat sa ibang bansa sa susunod na dalawang buwan.
Sinabi pa ni Sec. Coloma, ang tumataas na halaga ng luya at bawang ay maaaring sa sitwasyon ng law of supply and demand o maaaring kulang ang mga produkto sa pamilihan sa pangangailan ng mga mamamayan.
Walang binanggit si Coloma na ipatutupad na hakbang ang pamahalaan hinggil sa isyu at hinihintay pa aniya ng Malacañang ang ulat ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa biglang pagtaas ng presyo ng mga nasabing pangunahing bilihin.
Samantala, pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares si Presidential Assistant on Food Security and AgriÂcultural Modernization Francis “Kiko†Pangilinan sa mataas na presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng National Food Authority (NFA) na normal ang pagtaas ng dalawang piso kada kilo ng bigas dahil lean months na ngayon.
Idinagdag pa ng kongresista na wala rin dahilan para sa price increase dahil sinabi ng NFA na napaghandaan nila ang lean months sa pamamagitan ng importasyon.
Bilang katunayan, nag-angkat umano ang NFA ng 800,000 hanggang isang milyong meÂtriko tonelada ng bigas para lamang maging ‘buffer stock’ ng bansa para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Layunin umano nito na pigilan ang anumang pagtaas ng presyo suÂbalit nakakapagtakang bigla pa rin itong tumaas na tulad din ng nangyari sa presyo ng bawang at sibuyas na tambak din ang supply subalit tumaas din ang presyo sa merkado.
Paniwala ni Colmenares, na mayroong nangyayaring ‘hokus pokus’ dito kaya ang publiko na naman ang nadadale.