MANILA, Philippines — Kahit kumakalat ang mga ulat na kabilang si Technical Education Skills Development Authority (TESDA) director general Joel Villanueva sa mga kakasuhan kaugnay ng pork barrel scam, sinabi ng Malacanang ngayong Lunes na tiwala pa rin si Pangulong Benigno Aquino sa kanyang tauhan.
"Mas mainam na hintayin natin ang gagawing hakbang o opisyal na pahayag ng DOJ tungkol sa kanilang pagsisisyasat ng mga usapin hinggil sa (Priority Development Assistance Fund)," pahayag ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) head Herminio Coloma Jr.
Sinasabing kakasuhan ng technical malversation si Villanueva na mas magaan sa kasong pandarambong kung saan maaaring makapagpiyansa.
Isa si Villanueva sa umanoy tatlong kaalayado ni Aquino na nakipagsabwatan umano sa itinuturong pork scam mastermind na si Janet Lim-Napoles, bukod pa kina Budget at Agriculture Secretaries Florencio Abad at Proceso Alcala.
Ang tatlong miyembro ng gabinete ay pawang mga dating kinatawan ng kanilang lugar bago pumasok sa administrasyong Aquino.