MANILA, Philippines – Kinontra ni Senador Juan Ponce Enrile ngayong Lunes ang paglalabas ng arrest warrant ng Sandiganbayan laban sa kanya kaugnay ng pork barrel scam.
Naghain ng supplemental opposition to the issuance of warrant of arrest ang mga abogado ni Enrile at sinabing dapat ibasura ang kaso dahil hindi ipinaalam sa kanilang kliyente ang “nature and cause of accusation.â€
Dagdag nila na hindi rin nakalagay sa kaso na tumanggap si Enrile ng kickback mula sa pagpasok ng Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organization ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng pork scam.
Kaugnay na balita: 3 division ng Sandiganbayan hahawak sa kaso ng 'pork senators'
Sinabi rin nilang hindi nagpapahayag ng katunayan ang nakasaad sa kaso na “combination or series of overt criminal acts in the Information.â€
Bukod kay Enrile, kinasuhan din ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder at graft sina Senador Ramon “Bong†Revilla Jr., at Jinggoy Estrada.
Dawit din sa kaso si Napoles at ang mga chief-of-staff ng tatlong senador.
Nitong nakaraang linggo ay ni-raffle na ng anti-graft court ang kaso ng tatlong senador kung saan tatlong sangay ng korte ang hahawak sa mga kaso.