UNA bumuwelta kay Erice
MANILA, Philippines - Hinamon ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco ang Malacañang na, kung nais nito ang tuwid na daan, ipaimbestiga nito sa mga ahensiya ng pamahalaan ang mga kasong kinasasangkutan ng isang lider ng makaadministrasyong Liberal Party na si Caloocan City Congressman Edgardo Erice.
Kung mananatili anÂyang tahimik ang admiÂnisÂtrasyon, nangangahulugan na pinapahintulutan nito ang mga ginagawa ni Erice na nagpapalagay sa sarili nito na mas naÂngingibabaw ito sa batas.
Ayon kay Tiangco, si EriÂce ay nademanda dahil sa panggigipit sa lokal na mga opisyal kaugnay ng operasyon sa mina ng kumpanya nitong San Roque Metal Inc. sa Agusan del Norte.
Sinabi pa ni Tiangco na matiwalang binabanggit ni Erice ang “Alam na ito sa itaas (mga tao sa Malakanyang) para maitago ang mga kasong kinakaharap nito noong vice mayor pa ito ng Caloocan at presidente ng large-scale mining company.
Sinabi pa ni Tiangco na, noong 2011, ipinagharap si Erice sa Office of the Ombudsman ng mga kasong falsification of public documents, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Naiipit din ang SRMI ni Erice dahil sa paglabag umano sa environmental laws sa ilalim ng Mining Act of 2005.
Binatikos din ni Tiangco ang mga personal na atake ni Erice kay Vice President Jejomar Binay at Makati Rep. Abby Binay-Campos. Inaakusahan ni Erice si Rep. Binay sa mali umanong paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito. Hinamon pa ang Bise Presidente na magbitiw sa Gabinete.
“Nakakalungkot na sumasakay si Erice sa intriga at paninira laban sa Bise Presidente para maisulong ang adyendang pulitikal ng kanyang partido. Gusto talaga nilang sakyan ang gawa-gawang intriga para siraan si VP at nagtatago sa likod ng parliamentary privilege,†dagdag ni Tiangco. “Kung meron siyang pruweba, sinabihan ko siya (Erice) na persoÂnal na magsampa ng kaso laban kay Cong. Abby at sa Bise Presidente. Pero ayaw naman niya. So ano ito, grandstanding lang at pampapogi niya sa Malacañang para makakuha ng personal na pabor sa 2016 sa Caloocan?â€
- Latest