MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pagtaas ng halaga ng bawang sa Metro Manila, ikakalat ng Department of Agriculture (DA) ang mga rolling stores ng ahensiya para magbenta ng mas murang bawang kontra sa mahal na imported na bawang na naibebenta sa mga palengke at mga pamilihan sa bansa.
Ayon sa DA, may anim na metric tons (6 MT) ng bawang ang ikakalat sa mga pangunahing palengke sa kalakhang Maynila.
Kahapon, sinimulan na ng mga lokal na magsasaka na magbenta ng murang bawang sa mga rolling stores na nakakalat sa mga palengke. Umaabot sa P100 hanggang P200 ang kilo ng bawang dito depende sa laki samantalang ang mahal na bawang na mula sa Taiwan ay may halagang P300 pataas ang kada kilo.
Para maprotektahan ang lokal na magbabawang sa bansa at tuloy mapiÂlayan ang mga imported na bawang na nagkalat sa mga palengke, ang DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) at mga local government units ay nakipagkasundo sa garlic farmers para direkta na ang mga itong makapagbenta sa mga lokalidad ng kanilang mga local products na bawang partikular sa Marikina Public Market at Pasig Public Market .
Sinabi ni DA spokesperson Undersecretary Emerson Palad na bunga ng pagkalat ng mga mura at local garlic, maitatama na ang halaga ng lahat ng uri ng bawang na naibebenta sa merkado.