^

Bansa

Issuance ng bagong plaka ng LTO pinatitigil

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na dapat ituloy ng Land Transportation Office (LTO) ang implementasyon ng Plate Standardization o ang pagbibigay ng bagong plaka sa mga sasakyan dahil dagdag gastos lamang umano ito, ayon kay George San Mateo, national president ng militanteng transport group na Piston.

Ang bagong plaka ay may bar code at may tatlong letra at apat na numero na mas kakaiba sa lumang car plates na may 3 alphabet at 3 numbers.

Binigyang diin ni San Mateo na dapat ayusin muna ng DOTC at LTO ang sistema ng ahensiya bago simulan ang implementasyon ng Plate Standardization.

Hindi rin malinaw sa kanila batay sa nakuha niyang draft copy ng plate standardization kung ang mga dati ng sasakyan ay kukuha pa ng bagong plaka at kung buo ang bayad para rito.

Niliwanag nito na kapag kumukuha ng driver’s license na replacement sa nawalang lisensiya ay kalahati lamang ang ibinabayad kayat dapat anya ay halaga lamang para sa replacement ng car plate ang ibabayad sa mga bagong plaka na ibibigay sa mga sasakyan na may dati ng plaka.

Ang bagong plaka na may 3 letra at 4 na numero ay may halagang P500.00

BAGONG

BINIGYANG

GEORGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NILIWANAG

PLAKA

PLATE

PLATE STANDARDIZATION

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with