MANILA, Philippines - Muli na namang nagÂhain ng protesta ang Pilipinas laban sa China dahil sa reclamation ng McKennan o Hughes reef sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, matapos umanong makumpirma ng pamahalaan ang ginawang reclamation at pagtatayo ng istraktura sa nasabing reef ay inihain ang diplomatic proest laban sa China noong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Jose na wala pang sagot ang China sa nasabing protesta.
Nauna rito, naispatan ang mga Chinese ships sa may Gaven at Cuarteron reefs na may intensyong i-reclaim o patagin ang nasabing reefs.
Nagpalabas din kamakailan ang DFA ng mga aerial photographs na nagpapakita na nagsasagawa ng reclamation sa Mabini reefs o Jhonson South reef. Dito, muling nag-protesta ang Pilipinas na agad namang ni-reject ng China.