3 division ng Sandiganbayan hahawak sa kaso ng 'pork senators'

SENATE PRIB/Alex Nuevaespaña

MANILA, Philippines — Hiwa-hiwalay na hahawakan ng Sandiganbayan ang 45 na kasong plunder at graft na isinampa laban kina Senador Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Ni-raffle ngayong Biyernes ang kaso ng tatlong senador, isang linggo matapos itong isampa ng Office of the Ombudsman.

Ang third division ng graft court ang hahawak sa kaso ni Enrile, habang ang first at fifth division naman ang didinig sa kaso ni Revilla at Estrada.

Nag-inhibit naman sa kaso ang fourth division na hawak ni Associate Justice Gregory Ong dahil sa mga paratang na nag-uugnay sa kanya sa itinuturong utak sa likod ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Sandiganbayan spokesman Renato Bocar na may 10 araw ang mga mahistrado upang makapaglabas ng arrest warrants.

Show comments