NAGA CITY , Philippines - Binulabog ng nag-iisang aktiÂbista ang pagdiriwang ng ika-116 taong anibersaryo ng kalayaan dito habang nagtatalumpati si Pangulong Aquino kahapon ng umaga sa Plaza Quince Martires.
Nalusutan ang mga pulis at nakapagsagawa ng kilos-protesta ang aktibistang si Emsie Mijares na estudyante ng Ateneo de Naga University habang nasa kalagitnaan ng kanyang speech ang Pangulo dito kahapon ng umaga.
Napatigil sa kanyang talumpati ang Pangulo ng biglang sumigaw ang miyembro ng Anakbayan na si Mijares na “walang pagbabago sa rehimeng Aquino†habang nakaladlad ang dala nitong maliit na banner na kulay pula.
Naroroon pa mismo sa okasyon si PNP chief Alan Purisima kung saan ang pulisya ang nakatoka sa seguridad ng okasyon.
Inaresto si Mijares ng mga nagulat na mga pulis at dinala sa headquarters at idinamay pa ang isang journalism student na si Rachel Rustia na kumukuha lamang ng balita at hindi naman kasama ng militanteng si Mijares.
Nakatakdang kasuhan ang estudyante sa paglabag sa Article 153 Chapter 5 ng Revised Penal Code o violation of public order.