^

Bansa

Bong, Jinggoy, Enrile maaaring lumabas ng bansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si Justice Secretary Leila de Lima mismo ang nagkumpirma na maaaring makalabas ng bansa ang tatlong senador na sabit sa pork barrel scam.

Sinabi ni De Lima na wala pa namang arrest warrant na inilalabas ang Sandiganbayan laban kina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile para sa kasong graft dahil sa pakikipagsabwatan kay Janet Lim-Napoles gamit ang Priority Development Assistance Fund.

Dagdag niya na wala naman siyang kautusan sa Bureau of Immigration na ilagay sa lookout bulletin ang tatlong senador, habang wala rin namang hold departure order laban sa kanila.

Kaugnay na balita: Sandiganbayan: P30K piyansa ni Bong, Jinggoy, Enrile

Naglabas din ang Korte Suprema ng temporary restraining order laban sa watch list order kina Revilla, Estrada at Enrile.

Samantala, sinabi ni Estrada na wala siyang planong lumabas ng bansa at handa niyang harapin ang mga kaso.

Nagkita sina De Lima at Estrada sa confirmation ng kalihim sa kanyang puwesto, habang ang senador ay miyembro ng Commission on Appointments panel.

BUREAU OF IMMIGRATION

DE LIMA

ENRILE

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REVILLA JR.

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with