MANILA, Philippines - Opisyal nang idineklara kahapon ng PAGASA ang pag-uumpisa ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Sa pahayag ni Vicente Melano, acting administrator ng weather bureau, ito’y kasunod ng pag-iral ng Habagat o southwest monsoon, maalinsangang panahon, at araw-araw na pagkakaroon ng pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Ibig ding sabihin nito, nasapul na ang criteria sa dami ng ulan na naitatala sa tatlong sunod-sunod na araw sa mga istasyon ng weather bureau sa bansa.
Ang deklarasyon ay kasabay na rin ng ganap na pagiging bagyo ng low pressure area (LPA) sa Batanes na pinangalanang “Esterâ€.
Hunyo 10 din nang ideklara ang tag-ulan sa bansa noong 2013.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Ester ay nasa laÂyong 120 kilometro hilaga ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Bunga nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 1 sa Batanes, Babuyan at Calayan group of islands.
Palalakasin ng bagyo ang habagat na magdudulot ng mga pag-uulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan gayundin sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila
Si Ester ang ika-limang bagyo na pumasok sa bansa ngayong 2014.