MANILA, Philippines – Kaisa ng publiko ang Palasyo sa hindi magandang reaksyon sa naging privilege speech ni Senador Ramon “Bong†Revilla kahapon.
Sinabi ni Presidential Communication Operations Office head Herminio Coloma Jr. na tinutukan ng new media team ng Malacañang ang tugon ng mga Pilipino sa internet at sinabing puro negatibo ito.
"The overwhelming trend is negative and we agree with our bosses," wika ni Coloma.
Kaugnay na balita: Revilla: Tama na ang away at politika
Ayaw namang magbigay ng komento ng tagapagsalita sa naging talumpati ni Revilla at sinabing mabuting pakinggan na lamang ang boses ng publiko.
"It is best that we listen to the taxpayers whose money is being spent on such exercise (Revilla's speech)," sabi ni Coloma.
"We prefer at this time to focus and devote our energies and efforts to doing our duties and pursuing the reform programs of the government."
Hinamon kahapon ni Revilla si Pangulong Benigno Aquino III na pagtuunan ng pansin ang ikauulad ng bansa at hindi ang paninira sa mga mambabatas.
Samantala, sa dulo ng talumpati ni Revilla ay nagpakita siya ng music video kung saan ipipapakita ang pagtulong niya sa mga Pilipino.
"Demokrasya naman po tayo. Siguro naman covered hindi lamang ng rules of the senate but freedom of expression ang kanyang ginawa,"
Marami ang hindi natuwa sa ginawa ng senador ngunit nirereseto ito ng Palasyo.