Jinggoy dadalawin ni JV sa kulungan

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator JV Ejercito na dadalawin niya sa ku­lungan ang kanyang ka­patid sa ama na si Senator Jose “Jinggoy” Estrada sakaling magpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan at iutos ang pag-aresto sa tatlong senador na nahaharap sa kasong plunder.

Bukod kay Estrada, napipinto ring makulong sina Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.,  at Se­nate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Sa isang panayam sinabi ni Ejercito na nalulungkot siya para sa ka­patid dahil nararamdaman niya ang pinagdaraanan ng pamilya nito.

Pero mabuti na rin aniya na magkaroon ng tamang forum para malinis ni Estrada ang kanyang pangalan kaugnay sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Matatandaan na isa si Ejercito sa bumoto ng pabor sa committee report ng Senate Blue Ribbon Committee na nag­re­rekomenda sa pagsasampa ng plunder case sa mga senador na nasangkot sa pork  barrel fund scam.

 

Show comments