Gen. Trinidad bagong Nolcom chief

MANILA, Philippines - Itinalaga na bilang pinuno ng Northern Luzon Command si Maj. Gen. Felicito Virgilio M. Trinidad Jr.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala, kahapon.

Si Trinidad ay pormal na uupo sa kanyang bagong puwesto sa gagawing change of command ceremony na gaganapin sa Camp Aquinaldo, Tarlac City.

Pinalitan ni Trinidad si Lt. Gen. Gregorio Pio P. Catapang Jr., na naitalaga naman bilang AFP vice-cheif of Staff noong May 22.

Sa pamumuno ni Catapang sa NLC, matagumpay niyang napangasiwaan ang Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) closure-integration component sa ilalim ng Executive order 49 at administrative order 1, at idineklara ang probinsya sa central at northern luzon bilang insurgency free.

Samantala, si Trinidad naman ay nagsilbi sa AFP sa loob ng 30 taon simula nang magtapos ito sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1982.

Sa panahong inilagi nito sa AFP, nakatanggap na siya ng maraming parangal tulad ng Philippine Legion of Honor (Degree of Commander) bilang rekognasyon sa kanyang pagsusumikap sa pagtatanggol sa Zamboanga.

 

Show comments