MANILA, Philippines - Sinibak ni Pangulong Aquino si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon.
Itinalaga ng Pangulo bilang kapalit ni Dimzon si Rebecca Calzado.
Hindi naman maipaliwanag ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ang dahilan kung bakit sinibak ng Pangulo si Dimzon.
Mas angkop anya na magbigay ng detalye dito si Labor Sec. Rosalinda Baldoz dahil ito ang nagrekomenda sa magiging kapalit ni Dimzon.
Ang bagong OWWA chief ay dating assistant secretary for employment facilitation and manpower development cluster sa DOLE
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Wilfredo Santos bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa bansang Qatar.
Bukod kay Santos ay itinalaga din bilang mga bagong ambassador sina Domingo Nolasco sa Italy, Melita Sta. Maria-Thomeczek sa Germany at Nataniel Imperial sa Israel.
Pinalitan ni Amb. Santos si dating Philippine Ambassador to Qatar Cresente Relacion.
May bagong undersecretary din ang DOLE matapos ang appointment ni Reydeluz Conferido bilang kapalit ni Usec. Danilo Cruz.