MANILA, Philippines — Hindi pinalusot ng Office of the Ombudsman ang kagustuhang maging sate witness ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong nasa likod ng pork barrel scam.
Sa kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ngayong Huwebes ay sinabi niyang hindi maaaring maging testigo si Napoles dahil siya ang mukhang "most guilty of all respondents."
"In a separate letter dated June 4, 2014, Ombudsman Morales denied respondent Janet Napoles’ request for immunity for likewise not meeting the qualifications to become an immune witness," nakasaad sa pahayag ni Morales.
Kaugnay na balita: Napoles higit P2-B ang kinita sa pork scam - Luy
Ibinasura rin ng anti-graft body ang kahilingang maging testigo nina National Agribusiness Corp. officials Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal gayun din si Technology Resource Center chief Dennis Cunanan.
"There is no absolute necessity for their respective testimonies, and there are other direct evidence available, both testimonial and documentary, for the proper prosecution of the offenses committed," sabi pa ni Morales sa 16-pahinang kautusan.
Umasa si Napoles na maging testigo matapos niyang maghain ng sinumpaang salaysay sa Department of Justice.
Kaugnay na balita: Immunity ni Napoles nakasalalay sa Ombudsman – De Lima
Bukod pa sa mga ibinasurang pagiging state witness, hindi rin pinayagan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ng tatlong senador na napatunayang sangkot sa pork scam – Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon "Bong" Revilla, Jr.