MANILA, Philippines - Walang balak magpasa ng counter-memorial ang China laban sa kasong isinampa ng Pilipinas kaugnay pa rin ng agawan sa South China Sea sa kabila ng kautusan ng korte.
Sinabi ni China Foreign MInistry spokesperson Hong Lei na mariing tinututulan pa rin nila ang arbitration at hindi sila makikipagtulungan sa paggulong ng kaso.
"We have noted relevant report. China does not accept nor participate in the arbitration case filed by the Philippines. This position remains unchanged," wika ni Hong.
Iniutos ng arbitral tribunal ng United Nations Convention on the Law of the Sea sa China na magpasa ng counter-memorial bago mag Disyembre 15.
"In Procedural Order No. 2, the Arbitral Tribunal fixes 15 December 2014 as the date for China to submit its Counter-Memorial responding to the Philippines’ Memorial," sabi ng korte.
Naghain ang Pilipinas ng 10-volume memorial sa korte noong Marso 30 upang kuwestiyunin kung sino ang tunay na nakasasakop sa Spratly Islands.
Samantala, hinimok ng Pilipinas ang China na makipagtulungan upang matapos na ang agawan ng teritoryo sa mapayapang paraan.
"We continue to urge China to reconsider its decision not to participate in the arbitration proceedings," sabi ni Foreign Affairs Secretary Charles Jose.
"We wish to reiterate that arbitration is a peaceful, open and friendly resolution mechanism that offers a durable solution to the disputes in the South China Sea."