Soliman lusot na sa committee level ng CA
MANILA, Philippines - Nakalusot na kahapon sa committee level ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa kabila ng banta ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na haharangin niya ang kumpirmasyon nito.
Inaprubahan ng CA committee on labor, employment and social welfare ang nominasyon ni Soliman at inirekomenda para sa plenary vote sa Hunyo 11 o sa huling araw ng sesyon.
Dahil dito, mahihirapan na si Santiago na maharang pa ang kumpirmasyon ni Soliman.
Nauna ng nagbanta si Santiago na gagamitin ang Section 20 ng CA Rules pero hindi naman nakarating sa hearing ang senadora.
Sa ilalim ng Section 20 ay hindi na idinadaan sa debate ang kumpirmasyon ng isang nominado.
Kinukwestiyon ni Santiago ang pagpapalipat-lipat ng suporta ni Soliman na nagsilbing DSWD secretary ni dating Pangulong Gloria Arroyo pero kabilang sa mga tumuligsa sa dating pangulo at nakabalik sa Gabinete ni Pangulong Aquino. Tinawag ni Santiago na “overstaying†na sa DSWD si Soliman.
- Latest