Altapresyon no. 1 sakit ng mga pulis
MANILA, Philippines - Umaabot sa 20% ng mga pasyenteng pulis na nagpapasuri sa PNP General Hospital sa Camp Crame ay dumaranas ng altapresyon na pangunahing sakit na ginagamot sa nasabing pagamutan.
Nabatid kina Sr. Supt. Arnulfo Billote, pinuno ng Medical Service ng PNP at Chief Insp. Antonieta Aceret, hepe ng Family Medicine sa Camp Crame, altapresÂyon ang pangunaÂhing sakit na tumatama sa mga pulis base sa rekord ng PNP Health Service mula 2010 hanggang 2013 at maging sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.
Inihayag ng mga ito na ito’y bunsod ng sobrang pressure sa trabaho ng mga pulis bukod pa sa sobrang init ng panahon at maari ring may kinalaman sa mga paboritong pagkain ng mga pulis na karaniwan na ang mga lechon at sisig.
Pumapangalawa naman sa talaan ang upper respiratory tract infection na nairekord sa 10%, sumunod ang Urinary Tract Infection (UTI) na naitala sa 6 % at ang diabetes gayundin ang mataas na cholesterol.
Bukod naman sa stress sa trabaho ay isa sa nakakadagdag ng altapresyon ng mga pulis ay ang bisyo ng mga itong alak at sigarilyo.
Sa mga pulis naman na nakatalaga sa probinsiya, pangunahing sakit na nararanasan ng mga ito ay UTI.
- Latest