Ex-MRT 3 chief napaluha
MANILA, Philippines - Napaluha ang dating hepe ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) na si Atty. Al Vitangcol III sa isang TV commentary program nang kapanayamin kung paano siya naalis sa puwesto kamakailan lang.
“I felt betrayed and disappointed,†napaluhang sinabi ni Vitangcol.
Kuwento ni Vitangcol sa TV host na si Winnie Monsod sa programang “Bawal ang Pasawayâ€, nag-ugat lamang umano sa lumabas na artikulo sa kolum na may kamag-anak siyang nakakuha ng kontrata sa proyekto sa MRT 3. May ilang kausap daw siya mula sa gobyerno na nagmungkahi na magbitiw siya sa tungkulin nang tahimik. Pero ‘di pa aniya tapos ang araw, nalaman na lamang niya na wala na siya sa puwesto.
Aniya pa, pumasok siya sa gobyerno sa pagnanais na magsilbi at maunawaan kung paano magtrabaho ang gobyerno. Napasok lang daw siya dahil sa rekomendasyon ng isang propesor niya kay noon ay DOTC secretary Mar Roxas. Wala siyang patron o taga-suporta gaya ng kadalasang nangyayari. At isa lang daw ang empleyadong kanyang ipinasok sa MRT3, ang kanyang executive assistant.
“Wala akong ninakaw na pera, at marami akong natipid para sa gobyerno,†ayon kay Vitangcol, kabilang na rito ang pagbili ng bagon para sa MRT3 na dati ay $3 million kada unit at naibaba niya sa $1.8 million lang. Napakabitan din ng CCTV ang MRT3 sa halagang wala pang P5 million gayong sa ibang ahensiya, ito ay umaabot ng P50 million.
Wala rin daw siyang luho sa opisina. Katunayan daw ay siya ang nagbabayad ng taunang rehistro at insurance ng kotseng nakatoka sa kanya dahil walang budget para dito ang MRT3.
Sa kabila ng sama ng loob, naniniwala si Vitangcol na dapat pumasok sa gobyerno ang mga taong nais magkaroon ng pagbabago sa serbisyo publiko.
- Latest