^

Bansa

Demolition job sa mga Binay inalmahan ng UNA

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco ang pagsama ng mga pangalan nina Vice-President Jejomar Binay at Makati City Rep. Mar-Len Abigail Binay tungkol sa usapin ng ‘pork barrel’ scam ng mga kalaban nila sa politika.

Sabi ni Tiangco, inaasahan na ng UNA ang demolition job na ito laban sa pamilya ni Binay at malamang na tumindi ito sa papalapit na 2016 election.

Ayon kay Tiangco, magmula ng tumaas noong Marso ang rating ni Binay ay alam na nilang titirahin ito para masira sa publiko dahil target na sila ng maruming taktika sa politika.

Sinabi ni Tiangco, malisyosong isinabit ang pangalan ng pangalawang Pangulo, Rep. Campos at Sen. Nancy Binay-Angeles sa umano’y white paper na pinamigay sa media na nagbabanggit na nakinabang din umano sila sa PDAF scam.

Hinamon din niya ang mga kritiko at publiko na i-check ang rekord ng mga proyekto na binanggit sa white paper upang mabatid kung may anomalya dito. 

Kinondena rin ng mambabatas ang pagmamaniobra ng mga kalaban nila sa politika sa pagkalkal muli sa kaso ni dating Makati City mayor Dra. Elenita Binay para mailagay ito sa hold departure order list ng Bureau of Immigration. Kaduda-duda aniya ang paglalagay sa hold depature order sa dating alkalde gayung wala naman itong nakabinbing warrant of arrest.

vuukle comment

BINAY

BUREAU OF IMMIGRATION

ELENITA BINAY

MAKATI CITY

MAKATI CITY REP

MAR-LEN ABIGAIL BINAY

NANCY BINAY-ANGELES

TIANGCO

TOBY TIANGCO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with