Immunity ni Napoles nakasalalay sa Ombudsman – De Lima

Justice Secretary Leila de Lima

MANILA, Philippines – Ipinasa na ni Justice Secretary Leila de Lima sa Office of the Ombudsman kahapon ang dalawang kopya ng sinumpaang salaysay ng itinuturong mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni De Lima ngayong Miyerkules na kalakip ng affidavits ni Napoles ang sulat ng mga abogado niya na humihiling na bigyan ng immunity ang negosyante sa kasong mga isinampa laban sa kanya kaugnay ng pangwawaldas ng Priority Development Assistance Fund kasama ang mga mambabatas.

“I formally transmited to the ombudsman the two copies of the affidavits of Mrs. Napoles with the letters of the counsel for immunity,” banggit ng kalihim matapos siyang ma-reaapoint sa kanyang puwesto.

Kaugnay na balita: Pagsasauli ng kinita ni Napoles: Ombudsman na bahala - Malacañang

Aniya ang trabaho lamang nila ay mangalap ng impormasyon sa ikatitibay ng kaso laban sa mga sangkot sa pork scam.

“We are continuing with the validation process, 'yong issue on the immunity will be the judgement of the ombudsman,” sabi ni De Lima.

Sa sinumpaang salaysay ni Napoles ay 20 senador at 100 kongresista ang kanya umanong nakakuntsaba sa pagpasok ng kanilang mga PDAF sa kanyang mga pekeng non-government organization.

Kaugnay na balita: Walang 'red book' – Napoles

Sinabi ni Napoles na hindi siya ang utak sa likod ng pork scam at aniya biktima lamang siya ng isang sistema.

Show comments