‘Nanakaw ni Napoles ibalik lahat!’ - Osmeña
MANILA, Philippines - Kung si Senator Sergio Osmeña ang tatanuÂngin, dapat ibalik lahat ni Janet Lim-Napoles ang diumano’y nanakaw nito sa kaban ng gobyero sa gitna ng ulat na nakahanda umano ang tinaguriang pork barrel scam queen na magbalik ng nasa P2 bilyong kinita nito.
Ayon kay Osmeña, hindi niya alam kung magkano ang nanakaw ni Napoles kaya hindi masasabi kung “good amount†ang sinasabing P2 bilyon na nakahanda umano nitong isoli sa pamahalaan.
Dapat daw magigng totoo si Napoles sa pagsasabi kung magkano talaga ang nakulimbat niya sa gobyerno para makuwenta kung magkano ang dapat nilang isoli sakaling maging totoo ito.
Matatandaan na pinaÂyagan ng Department of Justice na magsauli ng nasa P40 milyon si Ruby Tuason na isa sa mga nagsilbing agent sa pork barrel funds ng mga mambabatas.
- Latest