MANILA, Philippines - Umabot na sa limang milyon ang kulang na bahay o housing backlog sa buong bansa.
Dahil dito kaya nagpasaklolo na si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng committee on Housing and Urban Development sa United Nations Special Rapporteur on Adequate Housing para sa malawakang assessment sa problema ng pabahay sa buong bansa.
Paliwanag ni Benitez mula sa 3 milyon housing backlog noong nakaraang taon ay umaabot na ito sa 5 milyon na maituturing ng isang krisis.
Bunsod nito kaya inoÂobliga ng kongresista ang pamahalaan na maglatag ng kumprehensibong plano para lutasin ang kakulangan sa pabahay at hindi palaging band aid solution na lamang.
Paliwanag nito, sa 10 bilyong inilaan sa mga proyekto ng National Housing Authority (NHA) taon-taon ay malayo umanong masolusyunan ang problemang ito dahil mangangailangan ng 150 bilyon piso para matapos ang housing backlog sa loob lamang ng tatlong taon.