MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng BuÂreau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hanguin, ibenta at kainin ang shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan na mula sa baybayin ng Bataan.
Ito ayon kay BFAR Chief Asis Perez ay dahil mataas ang lason ng red tide sa naturang baybayin.
Partikular na ban na kainin ang tahong mula sa mga bayan ng MariÂveles, Limay, Orion, Pilar, Abucay, Samal, Orani at Balanga City sa lalawigan ng Bataan.
Base sa mga samples ng tahong at talaba na nakuha sa nabanggit na baybayin ay nadiskubre nilang lubhang napaÂkataas ng level ng red tide toxin sa mga shellfish kayat mapanganib ang mga itong kainin.
Gayunman, ligtas naman anyang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na hinango sa naturang mga lugar bastat ito’y sariwa at liliniÂsing mabuti bago lutuin at kainin.