MANILA, Philippines - Buhat sa dating P6,000, nagdesisyon ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na taasan ng hanggang P1 milyon ang multa na ipapataw sa mga bus operators na matutuklasang nag-o-operate ng kolorum na behikulo kahit sa unang paglabag pa lamang ng mga ito.
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, layunin nang pagpapatupad ng mas malaking multa na tuluyan nang maalis ang mga colorum o hindi awtorisadong public utility vehicles (PUVs) sa mga lansangan.
“Safety is always our priority. Recent accidents have highlighted the needed for harsher penalties to deter illegal PUV practices and to better protect the public,†ani Abaya.
Nabatid na ang mas mataas na multa ay epekÂtibo na sa Hunyo 19.
Samantala, ang mga operators naman ng mga colorum trucks ay pagmumultahin ng P200,000; P50,000 sa colorum jeepneys; P200,000 sa colorum vans; P120,000 sa colorum sedans at P6,000 sa colorum na motorsiklo.
Bukod naman sa parusa, ang mga kolorum na behikulo ay ii-impound ng mula tatlong buwan habang ang buong certificate of public convenience kung saan kabilang ng sasakyan ay ire-revoke kabilang ang kanilang vehicle registration.
Iba-blacklist na rin ito at hindi na papayagan pang gamitin bilang PUV sa hinaharap.