Miriam nagbitiw bilang Intl’ Criminal Court judge
MANILA, Philippines - Bumaba na sa pwesto bilang huwes sa International Criminal Court (ICC) si Senador Miriam Defensor-Santiago.
Idinahilan ni Santiago ang kanyang sakit na Chronic Fatigue Syndrome sa kanyang liham kay ICC President Sang-Hyun Song.
“Pursuant to my commitment, I hereby confirm that the Court should proceed on the basis that I am stepping down as elected judge,†ani Santiago.
Nahalal na judge ng ICC si Santiago noong Disyembre 2011 bagaman at hindi pa nito nagagamÂpanan ang kanyang tungkulin sa nasabing assembly.
Nangako naman si Santiago na susuportahan niya ang procedure para sa paghahalal sa ICC judge na papalit sa kanya.
Kabilang sa mga pinadalhan ni Santiago ng kanyang sulat si Pangulong Benigno Aquino III, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Senate media at Senate President Franklin Drilon.
Matatandaan na simula ng magbukas ang 16th Congress ay hindi ito halos dumadalo sa sesyon dahil sa kanyang sakit.
- Latest