MANILA, Philippines — Pinagtawanan ng kampo ng itinuturong mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles ang mga haka-hakang may “red book†ang negosyante na naglalaman ng mga papeles sa kanyang pakikipagsabwatan sa mga mambabatas.
"Iyon yung nakakatawa, wala kaming ganoong red book. Walang gano'n," wika ng abogado ni Napoles na si Bruce Rivera sa isang panayam sa radyo ngayong Martes.
Si Atty. Levito Baligod, dating abogado ng whistle-blower na si Benhur Luy, ang nagsabing mayroong notebook si Napoles na maaaring gamiting ebidensiya laban sa mga mambabatas na naglagak ng kanilang mga Priority Development Assistance Fund.
Pinabulaanan ito ni Rivera pero inaming may mga papeles si Napoles tulad ng loose vouchers, proof of financial transactions at mga tseke.
"Mga papel kasi 'yun na [compressed], mga files 'yon, hindi nga 'yon naka-notebook kasi hindi siya mahilig magdala ng notebook," banggit ni Rivera.
Hiningi ito kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima sa kampo ni Napoles upang gamiting ebidensiya sa mga idinadawit na mambabatas, ngunit sinabi ni Rivera na hindi pa nila ito handang ibigay.
"Ang usapan kasi dati ibibigay 'yung testimony ni Mrs. Napoles. 'Yung ebidensiya kasi, ang plano n'ya doon na lang pagdating sa korte," sabi ng abogado.
"Pero nakiusap po si Secretary De Lima at 'yung NBI ... na kailangan po 'yun for the vetting process."
Umabot sa 18 senador, 100 kongresista, 14 na empleyado ng gobyerno at 49 “agents†ang isinama sa listahan ni Napoles.