Skip train scheme, ipatutupad na rin sa LRT-1 & 2

MANILA, Philippines - Sisimulan na rin ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) ang pagpapatupad ng “skip train scheme” ngayong buwan.

Nabatid na ito’y kahalintulad ng express train scheme ng Metro Rail Transit (MRT) kung saan ang mga tren ay humihinto lamang sa mga designated stations.

Ayon sa LRTA, ang hakbang ay tugon sa inaasahan nilang paglobo ng hanggang 20 porsyento ng kanilang mga pasahero lalo na ngayong nagbukas na muli ang klase sa mga paaralan.

Magdaragdag na rin ang LRT 1 at 2 ng mga tren kapag rush hour.

Unang sinubukan ng MRT-3 ang paglalagay ng express train para ma-accommodate ang dumarami nilang pasahero na sa inisyal na report ay  sinasabing epektibo.

 

Show comments