MANILA, Philippines - Isinulong ni Senador Bam Aquino ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng tax exemption ang mga “business virgin†o mga bagong tatag na negosyo sa unang dalawang taon ng operasyon.
Layunin ng Senate Bill 2217 o Start-Up Business Bill, na bigyan ang mga bagong tatag na negosyo ng sapat na panahon para makatayo at gumawa ng sariling pangalan sa merkado.
“Sa nasabing tulong, mabibigyan ng karampatang oras ang mga bagong negosyo na ayusin at patibayin ang kanilang operasyon at gumawa ng tatak sa merkado,†ani Aquino, chairman ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
Sa ilalim ng panukala, hindi muna papatawan ng buwis ang mga negosyo sa loob ng dalawang taon, basta’t ang mga nasabing negosyo ay walang kaugnayan sa anumang kasalukuyang kompanya.
Kapag sole proprietorship naman, ang mga bagong negosyo ay dapat walang iba pang kompanyang nakarehistro.
Naniniwala ang senador na kapag naipasa ang batas, titibay ang papel ng mga bagong negosyo sa pagpapalakas ng ekonomiya kasabay ng pagkilala sa pangako ng pamahalaan ukol sa pagbabago.
Idinagdag pa niya na ang paglago ng mga bagong negosyo ay kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino na may natural na galing at pagiging malikhain.