MANILA, Philippines - Patuloy ang paghahanap ng binuong tracking team ng Eastern Mindanao Command sa anim na kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dinukot nitong nakaraang Biyernes, sa Compostela Valley.
Ayon kay Capt. Alberto Caber tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, wala pa silang impormasyon sa kinaroroonan ng mga biktima maging ang mga dumukot sa mga ito.
Ang anim na DENR survey inspectors ay tinangay ng mga armadong lalaki sa may Brgy. New Leyte, bayan ng Maco, Compostela Valley, alas-2 ng hapon noong Biyernes.
Ang mga survey insÂpectors ay kinilalang sina Kendrik Wong; Nico Lasaca; Chris Favila, Matthew Cua, Jonas Loredo at Tim Sabina.
Papunta ang mga biktima sa lugar para magsagawa ng balidasyon at surbey hinggil sa NatioÂnal Greening Program ng pamahalaan nang dukutin ng mga suspek.
Nagsanib puwersa na ang mga sundalo mula sa 1001st Infantry Brigade at Philippine National Police sa pagtugis at paghahanap sa mga biktima at mga suspek.