^

Bansa

Tracking team binuo sa dinukot na 6 DENR men

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang paghahanap ng binuong tracking team ng Eastern Mindanao Command sa anim na kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dinukot nitong nakaraang Biyernes, sa Compostela Valley. 

Ayon kay Capt. Alberto Caber tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, wala pa silang impormasyon sa kinaroroonan ng mga biktima maging ang mga dumukot sa mga ito.

Ang anim na DENR survey inspectors ay tinangay ng mga armadong lalaki sa may Brgy. New Leyte, bayan ng Maco, Compostela Valley, alas-2 ng hapon noong Biyernes.

Ang mga survey ins­pectors ay kinilalang sina Kendrik Wong; Nico Lasaca; Chris Favila, Matthew Cua, Jonas Loredo at Tim Sabina.

Papunta ang mga biktima sa lugar para magsagawa ng balidasyon at surbey hinggil sa Natio­nal Greening Program ng pamahalaan nang dukutin ng mga suspek.

Nagsanib puwersa na ang mga sundalo mula sa 1001st Infantry Brigade at Philippine National Police sa pagtugis at paghahanap sa mga biktima at mga suspek.

 

ALBERTO CABER

BIYERNES

CHRIS FAVILA

COMPOSTELA VALLEY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EASTERN MINDANAO COMMAND

GREENING PROGRAM

INFANTRY BRIGADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad