MANILA, Philippines - Idineklarang tunay na nanalong mayor ng munisipalidad ng Aliaga, Nueva Ecija si Reynaldo Ordanes.
Sa desisyon ni Cabanatuan Regional Trial Court Judge Virgilio Caballero nitong Mayo 28, 2014 si Ordanes ang nagwaging mayor ng Aliaga at hindi si Elizabeth Vargas na unang naideklara noong 2013 elections.
Kinatigan ni Caballero ang protestang inihain ng kampo ni Ordones na siyang nagtulak ng ‘recount’ o muling pagbilang ng mga boto. Lumalabas na noong 2013 naideklara si Vargas na may botong 11,477 saÂmantalang si Ordanes ay nagkamit ng 11,413 boto na siyang nagbigay ng panalo kay Vargas na may kalamangang 64 boto.
Subalit sa “recount†nakita na sa 13 “clustered precincts†o presinto, si Vargas ay dapat bawasan ng tatlong (3) boto dahilan upang mabawasan ang kanyang kalamangan at naging 61 na lamang.
Dagdag pa ni Caballero, ang 72 boto ay dapat ding ibilang kay Ordanes at kung isasama pa ang tatlong botong ibinawas kay Vargas lumalabas na 11 boto ang magiging kalamangan ni Ordanes.
Idineklara ni Caballero sa pagtapos ng muling pagbibilang na si Ordanes ang tunay na nagwaging mayor noong May 13, 2013 elections at dapat lamang maupo bilang tunay na halal ng bayan.
Ang desisyon ni Caballero ay inaasahang isasakatuparan sa Hunyo 6 matapos maghain ang kampo ni Ordanes ng mosyon para ipatupad ang deklarasyon. Sa Hunyo 6 din inaasahang ipag-uutos ng DILG at Comelec ang pagbaba sa pwesto ni Vargas.