Bullying tututukan ng PNP sa Balik Eskwela

MANILA, Philippines - Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang bullying sa mga estudyante kaugnay ng Oplan Balik Eskwela bukas.

Ayon kay PNP-Public Information Office, C/Supt. Reuben Theodore Sindac, babantayan ng mga pulis ang mga insidente ng bullying ng mga out of school youth sa mga estudyante sa labas ng mga paaralan habang ang school officials at kanilang mga security guard ang in-charge sa loob.

Aagapan din nila ang rambol sa pagitan ng mga grupo ng mga estudyante.

Madalas anyang magtuksuhan ang mga estudyante na nauuwi sa away.

Mahigpit ding babantayan ng PNP ang street crimes tulad ng pandurukot, snatching, swindling, robbery/hold-up at street-level drug trafficking.

 

Show comments