MANILA, Philippines - Nagbanta ang mga guro na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na anumang oras ay puwede silang magsagawa ng ‘mass leave’ oras na hindi sila pagbigyan ng gobyerno sa kanilang mga kahilingan na itaas ang kanilang mga sahod.
Sabi ni Benjie Valbuena, ACT national chairperson, humihirit sila na itaas sa P25,000 kada buwan ang kanilang basic saÂlary mula sa P18,000 na kanilang tinatanggap na suweldo samantala ang mga non-teaching staff ay humihingi ng P15,000 monthly salary mula sa P9,000 per month.
“Pagod na kami sa kanilang mga palusot. May pera sa pork bakit wala para sa dagdag sahod naming mga guro na sobra-sobra sa trabaho? Tama na ang pagpapataba nila sa sarili nilang bulsa, kami namang maliliit ang bigyan pansin nila,†wika ni Valbuena.
Hinamon din ng grupo si DepEd Sec. Bro. Armin Luistro para tumulong sa pagsulong ng House Bill 245 kung talagang sinusuportahan nito ang mga guro.