MANILA, Philippines - Isinapubliko na ng Senate Blue Ribbon Committee ang laman ng digital files ng whistle blower na si Benhur Luy kasama maging ang “deletedâ€.
Ipinamahagi kahapon ng tanggapan ni Blue Ribbon chairman Sen. TG Guingona sa mga miyembro ng media ang Compact Disc (CD) kung saan nabanggit ang mga alyas na “BIGBOYâ€, “Bongetâ€, “Tandaâ€, “Dahonâ€, “Sexyâ€, at “Bigote†at maging “Sexy_Ochoa_docâ€.
Kabilang sa nasaÂbing files ang diumano’y naging transaksiyon ni Janet Lim-Napoles sa mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso at ang mga diumano’y cash advance na ginawa ng mga ito kapalit ang pagbibigay ng proyekto sa itinuturong utak ng scam.
Isa sa mga entry sa deleted files ay may nakalagay na “BIGBOY†na unang ginawa noong Agosto 2, 2012 at huling na-access noong Agosto 30, 2012.
Nakalagay sa entry ang: “Name BIGBOY.†The file was created on August 2, 22012, and last accessed on August 30, 2012.
Isa sa mga file ang may entry na “Name 200M_Sexy_Ochoa.doc†na ginawa noong Hunyo 7, 2012 at huling na-access noong Enero 22, 2014.
Kabilang din sa file ang mga walang lagdang “draft letters†na na kapangalan sa ilang senador at congressmen na humihiling ng pondo mula sa ilang ahensiya ng gobyerno.
Kabilang sa mga “draft letters†na wala namang lagda ay nakapangalan kina Senate President Franklin Drilon, SeÂnate Pro Tempore Ralph Recto, Senators Juan Ponce-Enrile at Sergio Osmeña; dating Sen. Francis PaÂngilinan at Loi Ejercito-Estrada.
Kabilang naman sa mga miyembro ng House of Representatives sina dating senator at ngayon ay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, Leyte 3rd District Rep. Eduardo Veloso, La Union Rep. Manuel Ortega, at iba pa.