MANILA, Philippines - Ipinanukala kahapon ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz ang agarang inspeksyon sa mga kumÂpanya ng transportasyon sa buong bansa para higit na masiguro ang kaligtasan ng milyun-milyong estudyante na magbabalik-eskwela na sa isang linggo.
Nanawagan si dela Cruz sa Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) at lahat ng ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pampubliÂkong transportasyon na maglabas na sa publiko ng kanilang ginagawang paghahanda para sa kaligtasan ng mga estudyanteng pasahero sa pasukan.
“Hindi na dapat maghintay ang LTFRB ng isa pang malagim na aksidente at pagkamatay ng maraming pasahero bago nila ipabatid sa sambayanan kung anong mga kumpanya ng sasakyang pampubliko ang hindi nila dapat sakyan.
Ipinaalala niya na ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang dalawang bus ang madugong naaksidente, kabilang na ang isa na nahulog mula sa Skyway sa Metro Manila na ikinamatay ng humigit-kumulang 20 pasahero,†ani dela Cruz.
Dapat ding magpaliwanag si LTFRB Chairman Winston Ginez sa napaulat na mala-kaprityosong pagbibigay ng ahensya ng mga prangkisa at special permit na may iba-ibang petsa ng pagkabisa kahit na dapat ay hanggang 10 araw lamang sa ilalim ng batas.
Dahil dito, lalong dumaÂrami ang mga sasakyang colorum na nagiging dahiÂlan ng ‘di makatwirang pagÂsisikip sa mga kalsada, ayon kay dela Cruz.