MANILA, Philippines - Hawak na ng Senate Blue Ribbon Committee ang kopya ng digital records ng whistleblower sa pork barrel fund scam na si Benhur Luy kung saan makikita ang mga transaksiyon sa pagitan ng itinuturong utak ng scam na si Janet Lim-Napoles at mga pulitikong naglagay ng kanilang pondo sa mga non-government organizations nito.
Mismong si National Bureau of Investigation Director Virgilio Mendez ang nagdala kay Senator Teofisto Guingona, chairman ng komite ng compact disk (CD) na naglalaman ng records ni Luy.
Ayon kay Guingona kung ipi-print ang nasabing CD aabot sa isang buong kuwarto ang laman nito.
Nangako naman ang senador na ilalabas sa publiko ang digital records ni Luy.
Nauna rito nagpalabas ng subpoena ang Senado upang dalhin ng NBI ang digital files ni Luy.
Inihayag ni Guingona na bubuksan nila ang selyadong CD sa harap ng hepe ng cyber crime division ng NBI upang ma-review ang laman nito.
“Yung disk kasi encrypted kaya kailangan daw ng instructions para sa pagbukas to make sure that it cannot be altered,†sabi ni Guingona.
Inihayag ni Mendez na aabot sa mahigit na 31,700 pages ang laman ng CD na nauna ng isiÂnumite sa Ombudsman.