SPED centers sa iskul giit
MANILA, Philippines - Isinusulong ni 1st district Quezon City Rep. Francisco “Boy†Calalay ang pagtatayo sa mga paaralan ng isang Special Education (SPED) sa bawat school division.
Sa House Bill 2315 o SPED Act of 2013 ni Rep. Calalay, inaatasan nito ang paglalagay ng hanggang tatlong SPED centers sa mga malalaking school division para sa mga Children with Special Needs (CSN).
Ang panukala ay kabilang sa priority bills na napagkasunduan ng Kamara at Senado na ipasa ngayong 16th Congress na layong mabigyan ng proteksyon at de-kalidad na edukasyon ang mga CSN.
Paliwanag pa ni Calalay na ang Pilipinas ay lumagda rin sa UN Convention on the Rights of the Child kung saan nakasaad na ang gobyerno ay may responsibilidad na matiyak na ang karapatan ng mga bata ay naigagalang, napoprotektahan at naibibigay ang pangangailangan.
Kaya sa mga ganitong CSN umano ay mangaÂngailangan ng mga eksperto, trained staff, pondo para sa pagtatayo ng mga centers, gayundin sa pagbili ng mga supplies at ang maayos na serbisyo.
Magiging katuwang ng Department of Education ang DSWD, DILG, DOH, DOF, CWC at ang National Council on Disability Affairs sa pagbuo ng regulasyon para sa programang ito.
- Latest