^

Bansa

Legalidad ng EDCA, kinuwestyon sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon nina dating senador Rene Saguisag, Wigberto Tañada, Atty. Harry Roque at siyam na iba pa sa Supreme Court  ang legalidad  ng  US-RP Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa 65-pahinang petition for certiorari and prohibition with prayer for a preliminary prohibitory injunction and/or temporary restraining order,  nais ng tatlo na ideklarang  iligal  o labag sa Konstitusyon ang EDCA dahil extension lamang ito ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng Amerika at Pilipinas.

Paliwanag ng mga petitioner, wala nang bisa sa ilalim ng 1987 Constitution ang MDT dahil sa probisyong nagsasabi na nire-reject ng Pilipinas ang giyera bilang national policy.

Kontra rin anila sa United Nations Charter ang MDT na nagbabasura sa paggamit ng pwersa bilang paraan sa paglutas ng ‘di pagkakaunawaan.

Kabilang sa respondents sa petisyon sina Executive Sec. Pacquito Ochoa, Defense Sec. Voltaire Gazmin, DFA Sec. Albert Del Rosario, Budget Sec. Flo­rencio Abad at AFP Chief Emmanuel Bautista.

 

ALBERT DEL ROSARIO

BUDGET SEC

CHIEF EMMANUEL BAUTISTA

DEFENSE SEC

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

EXECUTIVE SEC

HARRY ROQUE

MUTUAL DEFENSE TREATY

PACQUITO OCHOA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with