^

Bansa

Nob. 23 idineklarang Press Freedom Day

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara bilang Philippine Press Freedom  Day sa kada ika-23 ng buwan ng Nobyembre.

Base sa House Bill 4128 na iniakyat sa plenaryo ng House Committee on Public Information na substitute bill naman sa panukala nina Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at Christopher Co.

Ayon kay Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte. Chairman ng Public Information Committee, layunin ng panukala na i-promote at pangalagaan ang kalayaan sa pamamahayag para maiulat ng mga journalist ang buong katotohanan sinuman ang masaktan o masagasaan nito.

Nais din ng panukala na bigyang pagkilala ang kahalagahan ng kalayaan ng pamamahayag sa bansa.

Para naman kina Rep. Batocabe at Co, dapat na magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko sa bagay na ito dahil kahit ang Pilipinas ang isa sa may pinakamalayang mamamahayag sa buong Asya ay nababahiran ang record na ito ng maraming kaso ng pagdukot at pagpatay sa mga journalists.

Ang petsang Nobyembre 23 ang napiling ipadeklarang press freedom day dahil ito ang itinuturing na pinakama­dugong araw para sa sektor ng pamamahayag sa bansa matapos  na mangyari ang Maguindanao massacre case noong 2009 kung saan mahigit sa 30 mamamahayag ang pinatay.

AKO BICOL REP

CHRISTOPHER CO

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

JORGE ALMONTE

MISAMIS OCCIDENTAL REP

NOBYEMBRE

PHILIPPINE PRESS FREEDOM

PUBLIC INFORMATION

PUBLIC INFORMATION COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with