^

Bansa

Para sa maayos na pagbubukas ng klase PAS, itinatag ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang linggo bago tuluyang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan, nagtatag ang Department of Education (DepEd) ng mga Public Assistance Stations (PAS) upang matiyak na magiging maayos ang pagbubukas ng School Year 2014-2015.

Sa Twitter account ng DepEd, nabatid na ang public assistance station ay mayroong slogan na “Tara Na! Balik Eskwela Na!”

Ang mga PAS ay kabilang sa preparatory measures ng DepEd sa pagbubukas ng klase, alinsunod sa DepEd Memorandum 42.

Sa ilalim ng memorandum, ang mga PAS ang siyang magbibigay ng solusyon  sa mga problema na karaniwang nangyayari sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan.

Inaasahang aabot sa 23 milyong elementary at high school students ang inaasahang magbabalik-paaralan sa Lunes, Hunyo 2.

BALIK ESKWELA NA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HUNYO

INAASAHANG

ISANG

PUBLIC ASSISTANCE STATIONS

SA TWITTER

SCHOOL YEAR

TARA NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with