MANILA, Philippines — Walang dapat palampasin ang gobyerno sa pagpaparusa sa mga sangkot sa pork barrel scam kahit pa anak ng itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles, ayon sa isang senador ngayong Lunes.
Sinabi ng baguhang mambabatas na si Bam Aquino na dapat mapanagot lahat ng may kinalaman sa pag-aabuso sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).
"The government should not spare anyone in this investigation. If they do, it will send a wrong signal to the public that anyone can pocket billions and get away with it easily," wika ng senador na pinsan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang naging reaksyon ng senador sa pahayag ni Napoles na huwag idamay ang kanyang mga anak.
Inaakusahan ang mga anak ni Napoles na sina Jo Christine at James Christopher na nameke ng lagda ng mga benipesyaro ng Malampaya Fund scam.
Si Jo Christine pa umano ang tumatanggap ng pondo noong mga panahong wala si Napoles sa kanilang bahay sa Pacific Plaza Tower sa Taguig, ayon sa whistle-blower na si Benhur Luy.
Nahaharap naman sa kasong tax evasion ang bunsong anak ni Napoles na si Jeane matapos malamang nagmamay-ari ng mamahaling condominium unit sa Los Angeles, California kahit walang pruwebang pinagkakakitaan.
"Testimonies show that they are major participants in this scheme and should be prosecuted to the full extent of the law and not be treated with kids' gloves," sabi ni Aquino.
Samantala, pabor din ang senador na muling humarap si Napoles sa senado upang maisiwalat na ang katotohanan.
"This way, we will let the truth prevail and punish those involved in the scam."
Noong nakaraang linggo ay kontra ang abogado ni Luy sa ideyang pagharap muli ni Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee.
“Very doubtful na ang kanyang credibility kasi nag flipflop na siya (noong unang humarap sa senado),†ani Raji Mendoza.
“Maaaring may katotohanan o may halong kasinungalingan (ang sasabihin) pero hindi na namin masabi talaga.â€