^

Bansa

Hindi pa tag-ulan - PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng state weathre bureau na hindi pa pumasok ang tag-ulan sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan tuwing hapon o gabi.

Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Fernando Cada na dulot ng mataas na temperatura tuwing umaga at tanghali ang pag-ulan sa hapon o gabi.

"Dahil napakainit ng ating temperatura maghapon, mas mataas ang tyansa talaga na magkaroon ng development ng clouds sa hapon," wika ni Cada sa isang panayam sa telebisyon. "Kasi yung rate of evaporation mas nai-enhance dahil napakainit ang panahon.”

Samantala, nagbabala rin si Cada na maaaring magdulot ng malalakas na bagyo ang El Niño.

Dagdag niya na hindi mapipigilan ng matinding tagtuyot ang pagpasok ng bagyo, bagkus ay palalakasin pa ito.

"'Pag El Niño mas malakas ang mga bagyo, yung typhoon category mas marami, pero yung track niya hindi tumatama sa kalupaan.”

Inaasahang papasok ang tag-ulan sa Hulyo o sa huling linggo ng Hunyo.

vuukle comment

CADA

DAGDAG

DAHIL

EL NI

FERNANDO CADA

HULYO

HUNYO

PAG EL NI

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with