MANILA, Philippines – Dalawang dating senador ang maghahain ng reklamo sa Korte Suprema kontra sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Magtutungo sina Rene Saguisag at Wigberto Tañada sa mataas na hukuman upang kuwestiyunin ang EDCA na nilagdaan isang araw bago dumating sa bansa si US president Barack Obama nitong nakaraang buwan.
Sina Saguisag at Tañada ay kapwa miyembro ng “magnificent 12†ng mga senador na kumontra sa pagkakaroon ng base militar ng Amerika sa Pilipinas noong 1991.
Kaugnay na balita: EDCA magpapalakas sa partnership ng US at PH
Makakasama ng dalawang senador sa paghahain ng petisyon sina dating University of the Philippines President Dr. Francisco “Dodong†Nemenzo Jr., Dean Pacifico Agabin, Sister Mary John Mananzan, lawyers Steve Salonga, Harry Roque, Evalyn Ursua, Edre Olalia, Dr. Carol Pagaduan-Araullo, Dr. Roland Simbulan, at dating kinatawan na si Teddy Casiño ng Bayan.
Sinabi ng mga nagrereklamo na ang EDCA ay isang paraan ng pagpapatupad ng 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag nila na hindi naaayon sa Saligang Batas ang MDT, habang hindi naman dumaan sa Senado ang paglagda sa EDCA.
Kaugnay na balita: EDCA: Mas maraming US forces sa susunod na 10 taon
"Not only is the EDCA a violation of the Philippine Constitution... it also does not provide any substantial, long-term real benefit, much less distinct advantage or improvement in our position vis-Ã -vis the United States."
Sinabi ng Palasyo na layunin ng EDCA na lalong mapalakas ang strategic partnership ng dalawang bansa sa pagkakaroon ng mas maraming puwersa ng militar ng US upang tulungan ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
Nauna nang sinabi ng Malacanang na hindi lumalabag sa KonsÂtitusyon ang EDCA at hindi na kailangan ang pagpayag ng Senado dahil nakapaloob naman ito sa MDT ng US at Pilipinas.