7 patay sa California shooting
MANILA, Philippines - Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pinoy na kabilang sa pito katao na napatay at 13 sugatan sa pamamaril ng isang 22-anyos na lalaki sa Santa Barbara, California noong Biyernes.
Kinilala ng California Police ang salarin na si Elliot Rodger na walang habas na namaril at nanaksak ng mga taong kanyang makita sa may Isla Vista malapit sa University of California.
Si Rodger ay anak umano ng Hollywood director na si Peter Rodger, assistant director ng pelikulang Hunger Games na ipinalabas noong 2012.
Base sa report, 3 sa nasawi ay pinagsasaksak ni Rodger matapos pasukin niya sa kanilang bahay habang pinagbabaril nito ang dalawang estudyanteng babae sa isang sorority house ng naturang unibersidad.
Pumatay pa ito ng isa pa bago nagbaril sa ulo habang minamaneho nito ang itim na BMW.
Tatlong semi-automaÂtic na handgun at 400 rounds ng bala na napag-alamang legal na nabili ng suspek ang narekober ng pulisya.
Hinihinala na paghihiganti ang motibo ng suspek sa kanyang pag-aamok bilang ganti umano sa mga taong umapi sa kanya.
Bago pa ang pag-aamok ni Rodger, nag-upload umano siya ng video sa YouTube na may titulong “Retribution†na kinuha niya sa sasakyan nito. Inamin niya sa 7-minutong video na virgin pa siya at hindi pa nakahahalik ng babae. Aniya, parang torture sa kanya ang karanasang ito kung saan ang mga kabataan ay ini-enjoy ang kanilang buhay.
“College is the time when everyone experiences those things such as sex and fun and pleasure. Within those years, I’ve had to rot in loneliness. It’s not fair,†ani Rodger.
Sinabi rin niya na huling video na iyon na kanyang gagawin dahil isasagawa na niya ang paghihiganti sa mga babaeng hindi siya pinansin at sa lahat ng “sexually active men†at “popular kids†na trinato siya ng hindi maganda kahit sa tingin niya ay siya ang “the superior one†at ang “true alpha male.â€
- Latest