Walang travel ban sa Thailand

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ipinatutupad na alert level 2 sa Thailand, nilinaw kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang travel ban sa nasabing bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, pinapayagan pa rin ang mga Pinoy travelers na may mga hawak nang tickets na tumungo sa Thailand

Sa kabila nito, ang mga nagbabalak pa lamang na pumunta ay hinihikayat na huwag nang ituloy ang plano pansamantala na bumisita  sa Thailand

Pinapayuhan ni Jose ang mga turistang Pinoy sa Thailand na magparehistro sa Embahada ng Pilipinas sa Bangkok upang mas mabilis silang makontak sakaling ipatupad ang posibilidad na paglilikas kapag gumulo ang sitwasyon bunsod ng magkasunod na deklarasyon ng Thai military na martial law at kudeta.

 

Show comments