^

Bansa

Pinas ‘di magiging Thailand sa ‘pork’

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiwala ang Malacañang na hindi hahantong sa political unrest ang pork barrel scam tulad ng nangyayari ngayon sa Thailand.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na matatag ang political institutions sa bansa at nagiging mapagmasid at mapagbantay ang mamamayan sa gitna ng usapin sa pork barrel scam.

Hindi anya matutulad sa Thailand ang Pilipinas dahil hindi hahayaan ng taumbayan na umabot tayo sa ganung kaguluhan,” sabi ni Coloma.

“Sa atin pong pag­tingin, malalakas po ang ating mga democratic ins­titutions, matatag po ang ating mga institusyon, at ang atin pong mga mamamayan din ay nananatiling mapagmasid at mapagbantay. Hindi nila papayagan ang pang-aabuso ninoman at ‘yung pag-iral ng kaguluhan o ng ligalig,” wika ni Coloma.

Umaasa naman ang Pilipinas sa Thailand authorities na mananatili silang nakatuon sa pagrespeto ng demokratikong prinsipyo sa kabila ng patuloy na kaguluhan at kilos-protesta dahil sa pagtutol sa kudeta.

Sa statement ng DFA, sinabi na bilang isang kaibigang bansa at kapwa miyembro ng ASEAN, umaasa ang Pilipinas sa mamamayan ng Thailand na agad nilang mareresolba ang pinakahuling hamong pulitikal nang mapayapa sa pamamagitan ng dayalogo.

Umaasa din ang Pilipinas na igagalang ng kasalukuyang mga namumuno sa Thailand ang karapatang pantao at maibalik ang civilian authority doon.

Nabatid na hawak ng militar at nakakulong ang pinatalsik na si Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra at iba pang mga tinanggal na government leaders bilang bahagi ng hakbang upang makontrol ng militar ang oposisyon at kanilang kalaban.

Nananatili namang nasa ligtas na kalagayan ang may mahigit 16,000 Pinoy sa Thailand na inalerto na ng DFA at Embahada sa posibilidad na paglilikas sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.

 

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

EMBAHADA

MALACA

PILIPINAS

THAI PRIME MINISTER

UMAASA

YINGLUCK SHINAWATRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with