Kaya raw dinugo: Napoles nainsulto sa sex issue
MANILA, Philippines - Nakakainsulto!
Ito ang ginawang pagpalag kahapon ng kampo ni Janet Lim-Napoles, ang umano’y mastermind sa P10 bilyong pork barrel scam kaugnay ng mga espekulasyon na nakiÂpag-sex ito matapos na operahan sa matris kaya nagkaroon ng pagdurugo sa ari.
Sa isang radio interview, sinabi ni Atty. Bruce Rivera, legal counsel ng akusado, imposible ang nasabing haka-haka na aniya’y sobrang malisÂyoso.
“Naiinsulto si Janet sa insinuation na nakikipagtatalik siya... Paano mo ‘yan ilalagay sa kondisÂyon niyang ‘yun na pagod na pagod siya kakagawa ng affidavit plus sa sitwasyon niya sa ospital? Ang hirap magkaroon ng privacy doon,†ayon kay Rivera.
Iginiit ni Rivera na 24/7 ang pagbabantay ng mga pulis at labas masok ang mga nurse at doktor sa kuwarto ni Napoles sa Ospital ng Makati (OsMak).
“Napakamalisyoso po ng idea na may sex involved. It’s really demeaning on her part,†banat pa ng abogado sabay sabing bawal din ito sa ospital.
Ayon kay Rivera, nagÂkamali lamang ng interpretasyon ang mga kinauukulan sa sinabi ng doktor ni Napoles sa pagdinig kahapon sa korte upang mapalawig pa ang pananatili ni Napoles sa pagamutan.
Matatandaan na naunang sinabi ng gynecologist ni Napoles na si Dr. Efren Domingo na posibÂleng “private, intimate contact†ang dahilan ng pagdurugo ng pasyente.
Pero nilinaw naman ni Dr. Domingo na hindi nakipagtalik ang pork barrel scam queen at natanong lamang umano siya sa posibleng sanhi ng pagdurugo kaya nabuksan ang isyu.
Ayon naman kay Rivera, ang naturang akusasyon ay paninira lang sa kredibilidad ni Napoles.
Pumalag din ang abogado ni Napoles hinggil sa lumabas na litrato na tumatawa ito habang naka-confine sa OsMak.
Nilinaw ng abogado nito na kuha ang litrato nang dumalaw ang kanyang ina kay Napoles sa ospital bago umuwi ng Amerika. Malisyoso umano ang ginawang paglalagay ng picture ni Napoles sa pahayagan.
Magugunita na pinagbigyan ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda na hindi muna mailipat si Napoles sa kaniyang kulungan sa Fort Sto. Domingo dahil sa kalagayan nito.
Sinabi naman ni PNP spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor na hinihintay na lamang nila ang go signal ng korte upang maibalik muli si Napoles sa detention facility nito sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna at anumang oras ay handa ang kapulisan.
- Latest